-- Advertisements --

Tatakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon si dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares.

Ayon kay Colmenares, na isang human rights lawyer at kasalukuyang chairman ng Bayan Muna, na ang kanyang kandidatura ay inendorso ng Makabayan Coalition.

Nagdesisyon aniya ang mga officers at leaders ng Makabayan Coalition na siya ay patakbuhin sa 2022 elections.

Si Colmenares, kritiko ng Duterte administration, ay kasama sa ilang mga mambabatas at law students na nasa likod ng Manlaban sa EJK advocacy group.

Kinakatawan din niya ang pamilya ng mga biktima ng extra judicial killing sa isang reklamo na inihain sa International Criminal Court.

Magugunita na si Colmenares ay tumakbo rin sa Senate race noong 2019 elections pero nabigo itong manalo.

Bilang chairman ng National Union of People’s Lawyers, si Colmenares ay isa rin sa mga supporters ng opposition coalition na 1Sambayan.