-- Advertisements --

Inanunsyo ng Negros Oriental Police Provincial Office na “generally peaceful” ang lalawigan at nakahanda na ang kanilang pwersa sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Inihayag ni Acting Provincial Director PCol Alex Recinto na ito’y dahil pa sa pagtutulungan ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang pwersang panseguridad kaya “manageable” na ang peace and order situation doon.

Tinututulan pa nila ang pagpapaliban sa eleksyon dahil aniya bumaba ang mga krimen at iba pang kaso sa lalawigan at matagumpay ang kanilang pinaigting na operasyon na paghuli sa mga wanted na indibidwal at loose firearms.

Sinabi pa ni Recinto na ang 100 araw bago at pagkatapos ng Marso 2, 2023, malaki ang pagbaba sa mga ulat ng kriminalidad at karahasan.

Idinagdag pa nito na sa ilalim ng Peace Safety Indicator, 831 insidente ang naitala mula Nobyembre 28, 2022 hanggang Marso 4, 2023 at 613 mula Marso 5, 2023 hanggang Hunyo 12, 2022, na bumaba ng 218 insidente o 26.2%.