-- Advertisements --

Nakisali na rin ang isang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa mga panawagan para imbestigahan ang pag-aresto sa 62 aktibista sa Negros Occidental kamakailan.

Sa artikulo ng CBCP News sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na naalarma ang kanilang hanay dahil sa takot na iniwan ng insidente sa mga residente ng Negros.

Kung maaalala, naaresto ang mga aktibista matapos ang serye ng raid na ginawa ng pulisya sa tanggapan ng umano’y mga militanteng grupo.

Batay sa ulat, sari-saring armas ang nasamsam mula sa operasyon pero depensa ng mga naaresto, mismong mga otoridad ang nagtanim ng nakumpiskang armas sa kanilang mga lugar.

Una ng pinalaya ang 32 sa mga naarestong sibilyan.

Ilang grupo naman ang nanawagan sa Korte Suprema para imbestigahan ang desisyon ng isang judge mula sa Quezon City na nag-utos na ipaaresto ang mga aktibista.

“We, therefore, join the call for an impartial investigation of these arrests, for due process and the rule of law to be upheld,” ani Alminaza.