-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ikinagagalak ng mga opisyal sa lalawigan at lungsod ng Iloilo ang plano ng negosyanteng si Ramon Ang na mag-invest sa ipapatayong Iloilo-Guimaras bridge.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi nito na malaking tulong ang investment ni Ang na siyang presidente at chief operating officer ng isang malaking brewing company sa Pilipinas.
Ayon kay Drilon, nagpapatuloy ang feasibility study hinggil sa nasabing proyekto.
Inihayag ni Drilon na nailatag na kay Ang ang ipapatayong 2.5 kilometers na tulay na mag-uumpisa sa Brgy. Gua-an, Leganes, Iloilo.
Mismo si Ang ayon sa senador ang nagpahayag na magpasa ng unsolicited proposal hinggil sa nasabing proyekto.