-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Samer Dimanalao, may asawa at residente ng Sitio Galigayanin, Barangay Macabual, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa ulat ng PNP Pikit, inaayos umano ng negosyante ang ilaw ng kanyang sasakyan sa tabi ng kanilang pamamahay nang biglang lapitan ng hindi kilalang mga armadong kalalakihan at pinagbabaril gamit ang matataas na uri ng armas.
Agad namang tumakas ang mga suspek pagkatapos nang pamamaril sa biktima.
Patay on the spot si Dimanalao nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Personal na alitan o rido ang sinusundang motibo ng imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.