CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Jerry Dalde,49 anyos, may-asawa, negosyante, tubong Brgy Upper Glad 1 Midsayap North Cotabato at residente ngayon ng Brgy Ulas Davao City.

Sugatan naman ang angkas nito sa motorsiklo na si Junalyn Composano,49 anyos,byuda at residente ng Brgy Upper Glad 1 Midsayap Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel Benito Rotia na habang lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Purok Waling-Waling Brgy Poblacion 2 Midsayap Cotabato ay bigla silang dinikitan ng riding in tandem suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.9mm na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon sakay ng motorsiklo.

Patay on the spot si Dalde na tinamaan sa dibdib habang naisugod sa pagamutan si Composano.

Ang mga biktima ay galing sa lamay at pauwi na ng kanilang tahanan nang mangyayari ang pamamaril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Midsayap Cotabato sa pamamaril sa mga biktima.