DAVAO CITY – Isang negosyante mula Tagum City kasama ang tatlong iba pa ang naaresto dahil sa pagdadala ng mga iligal na armas.

Nakilala ang mga ito na sila Manolito Notario Torrefranca, 41-anyos na negosyante, at residente ng Purok 3, Hermin Compound, Barangay La Filipina, Tagum City; Junnard Rey Rebollio Balino, 32, driver, residente rin ng Purok 3, Barangay La Filipina, Tagum City; Nerio Unajan Batalla, 51, binata, driver, residente ng Purok 1D, Assessors Village, Barangay Apokon, Tagum City; at Peter Paul Behagon Panzo, 38, binata, driver at residente ng Poblacion Monkayo, Davao De Oro.

Base sa report, ipinatupad ng kapulisan ang search warrant sa bahay nii Torrefranca kung saan nakuha ang iba’t ibang klaseng kalibre ng armas.

Kabilang dito ang tig-iisang M16, .38 calibre pistol,.40 calibre pistol, at mga bala nito.

Bigo umano ang mga suspek na maipakita ang mga dokumento sa dala nilang mga bala at armas kaya tuluyang dinakip ng mga otoridad.

Sa ngayon, hinahanda na ang mga kasong isasampa kontra sa mga naaresto.