CENTRAL MINDANAO-Sinisikap ngayon ng mga lokal na opisyal ng probinsya ng Cotabato na maayos ang alitan ng dalawang pamilya sa Brgy Tumbras sa bayan ng Midsayap.

Matatandaan na ilang beses nang nagkasagupa ang mga armadong tagasuporta ng pamilya Macalimbol at Duluan na pawang mga myembro ng isang Moro Fronts.

Nag-ugat sa away sa pulitika at agawan sa lupa na kanilang sinasaka na humantong sa kalat-kalat na engkwentro.

Maraming buhay na rin ang nalagas at nasugatan sa magka-ridong pamilya.

Maraming mga sibilyan rin ang lumikas sa takot na maipit sa kaguluhan.

May mga tao nang inatasan si Cotabato Governor Emmylou”Lala”Mendoza na mamagitan sa magkaaway na pamilya at ayusin ang sigalot.

Sa ngayon ay nasa heightened alert ang militar at pulisya sa bayan ng Midsayap Cotabato para mabantayan ang mga naglalabang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here