-- Advertisements --
WHO

Inihayag ng World Health Organization ang mga negosasyon sa isang draft na pandaigdigang kasunduan upang mas mahusay na labanan ang susunod na maaring maging pandemya na magsisimula sa Pebrero sa susunod na taon.

Ang 194 na miyembro ng estado ng World Health Organization (WHO) ay naghahabol ng isang kasunduan na naglalayong tiyakin na ang mga maling tugon na naging isang pandaigdigang krisis ay hindi na mauulit.

Ang COVID 19 virus ay pumatay ng 6.6 million na mga tao at puminsala ng nagkakahalaga sa mga bansa ng umaabot sa trilyong dolyar.

Inihayag pa ng World Health Organization ang hindi pagkakapantay-pantay sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan at gamot sa buong mundo.

Dagdag ng organisasyon, ang epekto ng pandemya sa buhay ng tao, ekonomiya at lipunan sa pangkalahatan ay hindi dapat kalimutan.

Una rito, ang konseptong “zero draft” ng World Health Organization ay kailangang palakasin ang kahandaan ng mga bansa habang isinasaalang-alang ang mga isyu ng equity o pagkakapantay-pantay sa buong mundo.