-- Advertisements --

Nanawagan ang Pangisda Pilipinas na idaan sa diplomasya ang lumalalang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pablo Rosales, National Chairperson ng Pangisda Pilipinas, dapat na ipagpatuloy ang negosyasyon at nang hindi na umaabot pa sa digmaan gaya ng nangyayari sa ibang bansa.,

Iginiit ni Rosales na malaki ang epekto ng mga nagdaang insidente dahil apektado ang pang-kabuhayan ng mga mangingisda kung kaya’t gano’n na lamang ang kanilang panawagan sa pamahalaan.

Samantala, inalala naman ni Rosales ang mga panahon na kung saan ay malaya pa silang makapangisda sa pinag-aagawang karagatan na walang banta at takot na bumabalot sa kanila.

Patuloy namang panawagan ng kanilang samahan sa pamahalaan at iba pang mangingisda na magtulungan ang mga ito, nang sa gayon ay maayos na at mas mapalakas pa ang lokal na produksyon.