-- Advertisements --

Hindi na kailangan pa na sumailalim sa COVID-19 testing ang mga nonessential travelers na magtutungo sa iba’t-ibang mga probinsiya.

Ito ang naging lamang ng memorandum circular na ipinalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan ang mga hindi iitinuturing na authorized persons outside of residence (APOR) ay hindi na kailangang magpakita pa ng mga negatibong resulta ng COVID-19 test para makapasok sa isang lokalidad.

Nakasaad din sa memo na dumedepende rin sa mga local government unit sa pag-regulate sa mga traveler na dumadating sa kanilang opisina.

Hindi na rin nirerequire na sumailalim sa quarantine ang mga travelers kapag negatibo o walang sintomas tungkol sa COVID-19.