Nagbago ng posisyon ang National Economic and Development Authority (NEDA) patungkol sa pagsasailalim sa buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ).
Sa isang statement, sinabi ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendric Chua, suportado na nila ngayon ang desisyon kamakailan ni Pangulong Rodriog Duterte na huwag na munang luwagan pa lalo ang quarantine level sa bansa.
“The whole of government will work hard, in cooperation with various sectors, to roll out the vaccine so that we can further open the economy,” ani Chua.
Kahapon, Pebrero 22, 2021, inanunsyo ni presidential spokesperson Harryo Roque na ayaw ni Pangulong Duterte na isailalim sa MGCQ ang buong bansa hangga’t sa hindi nagsisimulang gumulong ang COVID-19 vaccination plan.
Nauna nang iminungkahi ng NEDA na isailalim ang buong bansa sa MGCQ simula Marso 1 para mabalanse raw ang pagtugon ng pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19 at para magsimula na ring kumita at gumastos ang mga Pilipino.
Bukod dito, iminungkahi rin ng ahensya na itaas sa 75 percent ang kasalukuyang 50 percent na passenger capcity sa mga pampublikong sasakyan.