Wala pang nakikitang matinding epekto sa ekonomiya ng bansa ang halos araw araw na pagnipis ng suplay ng kuryente sa bansa.
Ayon kay neda secretary arsenio balisacan na hindi pa naman maituturing na disruptive o nakagagambala sa takbo ng ekonomiya ang mga power alert na ito.
Nakatutulong na kasi aniya sa ngayon ang mga pag ulan para mapunuan ang kailangang tubig sa mga hydro power plant sa bansa para makapag generate ng kailangang suplay ng kuryente.
Naniniwala si balisacan na kahit papano ay maiibsan ng panahon ng tag ulan ang sobrang tinding init na nakaaapekto sa power generation.
Kumbinsido rin si balisacan na ang pagbabawas o pagpapababa pa sa 15% na lamang na taripa sa uling o coal ay maituturing na pambalanse sa sitwasyon ng enerhiya, dahil hindi naman agad matatapos ang energy transition sa bansa patungo sa zero emission.
Kailangan pa rin aniya ng coal fired power plants para sa patuloy na pag produde ng kuryente upang hindi kulangin ang suplay at ang pagpapababa sa taripa sa uling ay makatutulong na matugunan ang usapin.