-- Advertisements --

Plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na i-reorganisa ito bilang isang Department of Economy, Planning and Development (DEPDEV) sa ilalim ng executive branch ng gobyerno.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang NEDA sa ngayon ay wala aniyang kaparehong mga awtoridad gaya ng ibang mga departamento.

Kung saan ang origin ng NEDA ay ang National Economic Council sa ilalim pa noon ng Commonwealth Act No. 2 noong taong1935 na ang pangunahing mandato ay mag-advise sa pamahalaan kaugnay sa pagbuo at adoption ng state economic program base sa polisiya ng national independence.

Noong 1973 naman, sa bisa ng Presidential Decree 107, naitatag ang NEDA bilang primary agency na reponsable sa pagbalangkas at pagpapatuloy ng coordianted at fully integrated social at economic plans at programs.

Kaugnay nito, sinabi ni Sec. Balisacan na sa nakalipas na dekada, nabigyan ang NEDA ng maraming mga gawain at aktibidad sa bisa ng mga executive order at committees.

Sinabi din ng kalihim na ang trasformation ng ahensiya tungo sa isang departamento ay titiyak na maipagpapatuloy ang kanilang development efforts, partikular na as infrastructure development initiatives ng pamahalaan.

Una na ngang tinalakay sa Kamara ang Economy, Planning and Development bill noong Miyerkules sa hangaring makamit ang socioeconomic goals ng bansa.