-- Advertisements --

Pinaplantsa na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang gagawing stratehiya para matugunan ang kakulangan sa suplay at mataas na presyo ng asukal sa bansa.

Iginiit ni Socioeconomic Planning Secretary and NEDA chief Arsenio Balisacan ag sinabi ni President Bongbong Marcos na ongoing exercise ng gobyerno kasama ang ilang sugar stakeholders sa pagbalangakas ng paraan para matuguna ang problema sa industriya ng asukal sa bansa.

Ipinunto din ni Balisacan na kailangang matuloy ang production potential ng sugar industry para mapunan ang demand sa asukal.

Kailangan na talakayin kasama ang mga industry players at planters pagdating sa produksyon ng asukal at kung kakailanganin dapat na payagan ang importasyon ng asukal dahil kung hindi patuloy na sisipa ang presyo ng naturang commodity.

Ayon pa sa NEDA chief ang presyo ng asula ay tumaas mula noong simula ng taong 2022 ng mahigit 5%.

Maraming employment ang naapektuhan dahil sa mataas na presyo. Kung kayat kailangan na aniya ng balancing act habang pinprotektahan ang mga magsasaka mula sa naturang suliranin.