-- Advertisements --

Inulit ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang pangako ng administrasyong Marcos na palakasin ang mga proyekto ng public-private partnerships (PPP).

Aniya, ang pamahalaan ay lilikha at magsusulong ng isang patakaran at regulasyon na makakatulong sa pamumuhunan, pagbabago, at mataas na kalidad na paglikha ng trabaho.

Alinsunod sa layuning ito, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang public-private partnership o PPP framework at mapadali ang mahusay ang pagrereview nito.

Noong nakaraang taon, sinabi ng pinuno ng NEDA, na pinaplano niyang muling pasiglahin ang mga proyekto ng public-private partnership sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kung matatandaan, inihayag ng gobyerno ang 194 na infrastructure flagship projects (IFPs)—na kinabibilangan ng mga pinasimulan sa ilalim ng mga nakaraang administrasyon—na nagkakahalaga ng P8.2 trilyon.

Ang nangungunang tatlong pinagmumulan ng pondo para sa programa sa imprastraktura ay opisyal na tulong sa pagpapaunlad, na may pinakamalaking bahagi sa P4.51 trilyon; sinundan ng PPP sa P2.5 trilyon; at ang pambansang budget o ang General Appropriations Act sa P850.58 bilyon.

Sa pamamagitan ng isang whole-of-government and whole-of-society approach, ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa unang taon nito sa panunungkulan, ay gumawa ng mga makabuluhang hakbang sa pamumuno sa bansa upang makamit ang isang matatag na post-pandemic economic recovery na may kabuuang paglago ng gross domestic product (GDP) na may average na 7.6% noong 2022 at 6.4% ng 2023 sa unang quarter.