-- Advertisements --

Naniniwala ang National Economic and Development Authority (NEDA na lalakas ang peso kontra dolyar sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na temporaryo lamang ang nasabing paghina ng Peso at posibleng mag-stabilize na ito pagdating sa Nobyembre.

Bagamat advantage aniya ang paghina ng peso sa dolyar sa mga may kaanak sa ibang bansa ay dapat rin na ibili ng mga ito sa mga produkto ng bansa.

Dapat rin na samantalahin ng mga local na manufacturers at exporters ang paghina ng peso para makakuha pa ng malaking market share sa international market dahil ang mas murang peso ay magdudulot ng mas murang produkto ng bansa.