-- Advertisements --

Inilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11927 o ang Philippine Digital Workforce Competitiveness Act.

Ang batas ay inatasang magkonsepto at magsulong ng mga patakarang magpapahusay sa pagiging mapagkumpitensya ng digital workforce ng bansa.

Ang IRR ay inaprubahan ng siyam na miyembro ng Inter-Agency Council (IAC) for the Development and Competitiveness of the Philippine Digital Workforce.

Binabalangkas nito ang pagtatatag ng Inter-Agency Council, na pinamumunuan ng NEDA at binubuo ng walong iba pang ahensya.

Ang nasabing konseho ay magsisilbing primary planning, coordinating, at implementing body sa pagtataguyod, pagbuo, at pagpapahusay ng Philippine Digital Workforce Competitiveness Act.

Ang DOLE ay inatasang magsilbi bilang kalihim ng Inter-Agency council.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang pagpapatupad ng naturang batas ay magiging mahalaga para sa sa workforce ng digital technology at pagpapaunlad ng isang dynamic innovation ecosystem sa bansa.