Naniniwala si NEDA Secretary Arsenio Balisacan na panahon na para amyendahan ang mga tinaguriang unnecessary restrictions sa 1987 Constitution ng sa gayon makahikayat ang bansa ng mga foreign investments na makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Tugon ito ni Balisacan ng tanungin hinggil sa isinusulong na Charter Change na layong amyendahan ang saligang batas partikular ang economic provisions.
Ngayong araw nagpulong ang NEDA Board sa pangunguna ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga proyekto na susuporta sa mga infrastructure initiatives ng pamahalaan gaya ng pag promote sa turismo at pagpapalakas sa economic activity sa Northern Mindanao at pagsuporta sa agriculture sector.
Sa nasabing pulong inihayag ni Pangulong Marcos na very encouraging ang Philippine Development Report for 2023 na iprinisinta ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.
Binigyang-diin naman ni Balisacan na para sa taong 2024 target nilang makamit ang full-year GDP growth rate na 6.5 to 7.5 percent para makapag generate ng economic opportunities, mapataas ang employment at maging ang per capita income at maiangat ang ating ekonomiya sa “upper-middle-income country” status sa taong 2025.
Dagdag pa ni Balisacan na ang Marcos Jr administration ay nanatiling matatag sa pagsulong sa transformation agenda para pabilisin pa ang mga game-changing programs at mga polisiya na sumusuporta sa Bagong Pilipinas.