-- Advertisements --
Bibigyan ng gobyerno ng dagdag na suporta ang mga probinsiya na hindi gaanong tatamaan ng El Niño para mapalakas ang produksyon ng mga agricultural products.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na ilan sa mga natukoy nilang lugar ay ang Eastern Visayas at MIndanao.
Dagdag pa nito na nais ng gobyerno tamaan man ang bansa ng El Nino ay mayroong makakain ang mga mamamayan.
HIndi aniya nawawala ang tulong ng gobyerno sa mga magsasaka gaya ng fertilizers at maayos na irigasyon.