-- Advertisements --
electricity

Nakatakdang bumuo ang National Electrification Administration (NEA) ng regional procurement hubs para mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto ng mga electric cooperative sa buong bansa.

Ayon kay NEA Administrator Mariano Almeda, ang naturang plano ay bahagi ng istratehiyang nabuo ng opisina [para mas mabilis ang pag-roll out ng mga proyekto.

Ang mga regional procurement hub na aniya ang magsisilbing kamay ng NEA para sa mas mabilis at mas episyenteng paggawa ng plano, pag-budget, at pagsusuply ng mga kagamitan para sa mga proyekto ng mga electric cooperative, lalo na ang electrification program ng Marcos Administration.

Ang naturang pondo ay bahagi rin ng hakbang na gagawin ng naturang opisina upang matugunan ang 100% electrification program ng marcos Administration.

Nais din ng naturang tanggapan na matiyak na ang mga proyekto ng mga kooperatiba ay nakabatay lamang sa maaayos at episyenteng paggasta.

Ibig sabihin, ang mga kagamitan o materyal na gagamitin dito ay manggagaling sa mga manufacturer at wholesaler na may pinakamababang presyuhan, upang matiyak ang mababang gastos ng hindi naisasakripisyo ang kalidad ng kanilang mga proyekto.

Pangunahing intensyon ng mga naturang hub ay ang maibaba o mapigilan ang mga iregularidad, at matiyak na magagawa sa lalong madaling panahon ang mga proyekto ng mga kooperatiba ng kuryente.