-- Advertisements --
Tiniyak ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator at NDRRMC executive director Undersecretary Ricardo Jalad, na may sapat na pondo ang pamahalaan para tustusan ang gastusin sa pagtugon sa bagyong Odette.
Ito’y sa gitna ng pangamba na paubos na ang budget ng mga ahensya ng gubyerno dahil sa patapos na ang taon.
Pinaliwanag ni Jalad na kung maubos man ang budget para sa taong ito, may panibagong alokasyon naman para sa susunod na taon.
Sa ngayon aniya ay may P331 milyong halaga ng standby resources ang naka-preposition bilang pantulong sa mga apektadong mamamayan.
Bukod pa aniya ito sa standby fund na hawak ng iba’t ibang ahensya ng gubyerno at lokal na pamahalaan para sa mga kalamidad.