Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa mga lalawigan at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro na matutulongan ng Pamahalaan ang mga lugar na apektado ng Bagyong Goring.
Bagamat, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Goring sa Huwebes, Agosto a-31, inaasahan pa rin na mag-iiwan ito ng epekto sa lalawigan ng Batanes.
Kaya naman ayon kay Office of the Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, USec. Ariel Nepomuceno, handa na ang tulong ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng bagyo.
Ani Nepomuceno, naka-stanby na rin ang mga relief stockpile mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.
Pati na rin aniya ang emergency telecommunication equipment, medical logistics at Search/Rescue and Retrival assets.
Kasabay nito, iniulat rin ng state weather bureau na sa nasabi ring araw ng paglabas ng Bagyong Goring ay ang pagpasok naman ng isa pang Tropical Depression sa Philippine Area of Responsibility na papangalanan namang Bagyong Hanna.