All-set na ang gagawing earthquake drill sa Huwebes, kaya muling inanyayahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa gaganaping Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa June 9, alas-9:00 ng umaga.
Gaganapin ang programa online at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.
Nakatakdang dumalo at magbigay ng kanilang mensahe sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, at NDRRMC USEC Ricardo Jalad at iba pang mga concerned government agencies.
Kahapon ay nagsagawa ang Office of Civil defense ng isang webinar patungkol naman sa mga Migrant Work, Urban Settlements at Informal Working Environment.
Habang ngayong araw nagsagawa ang OCD ng online functional exercise para ss Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao bilang paghahanda sa lindol.
Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib.