-- Advertisements --

VIGAN CITY – Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagpapatuloy pa rin ang relief activities ng kanilang hanay sa mga lugar sa Mindanao na niyanig ng magnitude 6.9 na lindol kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni NDRRMC – Office of the Civil Defense spokesman Mark Timbal, na hangga’t kailangan pa ng mga residente sa Mindanao ang tulong ng pamahalaan ay nakahanda silang mag-abot ng tulong sa mga apektadong residente.

Batay sa huling tala ng NDRRMC, aabot na sa 12 ang bilang ng mga namatay dahil sa lindol, maliban padito ang nasa 210 nasugatan at isa na nawawala.

Nasa 14,712 naman ang bilang ng mga bahay na nasira, kabilang na ang 48 public structure, 380 paaralan at 25 health facility.

Hindi rin nakaligtas sa nasabing lindol ang tatlong kalsada, 14 na tulay at 90 iba pang istruktura at aabot sa 31, 988 pamilya ang nanatili ngayon sa loob at labas ng 31 na evacuation center.