Pinag-iingat ng National Dissaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga residente na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa red at orange warning bunsod sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Fabian.
Batay sa inilabas na weather advisory ng weather state bureau ang probinsiya ng Bataan at Zambales ay nasa red warning kung saan posibleng mararanasang ang seryosong pagbaha lalo na sa mga flood prone areas.
Habang ang Metro Manila at Cavite ay nasa Orange warning kung saan mataas ang posibilidad na magkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Nasa yellow warning naman ang mga probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Batangas at Bulacan.
Habang makakaranas naman ng light to moderate with occasional heavy rains ang mga probinsiya ng NuevaEcija, Laguna, Rizal, at Quezon.
Pinag-iingat din ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na mag ingat sa pagbiyahe dahil madulas ang mga daan para maiwasan ang aksidente.
Ayon sa MMDA ilang mga lugar sa Metro Manila ay nakaranas ng pagbaha ngayong Miyerkules ng umaga bunsod sa walang tigil na pag-ulan.
Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lugar na binaha ay ang mga sumusunod:
EDSA POEA SB – Gutter deep
EDSA Boni SB – Gutter deep
EDSA Ortigas split NB – Gutter deep
EDSA J. Vargas NB – Gutter deep
C5 Eastwood NB/SB – Gutter deep
C5 J. Vargas NB.SB – Gutter deep
C5 Ortigas SB – Gutter deep
Roxas Blvd. Quirino svc road – Gutter deep
Rial Avenue Recto – Gutter deep
Roxas Pedro Gil – Gutter deep
Bonifacio drive 25th St. NB/SB – Gutter deep
Habang ang mga lugar na hindi passable ng mga light vehicles as of
8:40 a.m. kaninang umaga ay ang mga sumusunod:
UN Taft NB/SB – Knee deep
Maria Orosa Taft NB/SB – Knee deep
Bonifacio Sgt Rivera EB – Gutter deep.
Aurora Araneta WB – Gutter deep.
E. Rodriguez Araneta NB/SB – Gutter deep.