-- Advertisements --

Nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD) sa mga mamamayan na makilahok sa National Simoutaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin ngayong araw.

Magsisimula ang nasabing first quarter earthquake drill dakong alas-2 ng hapon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director at Office of th Civil Defense Administrator Underscretary Ariel Nepomuceno na dapat ay seryosohin ng mga local government units sa bansa ang nasabing earthquake drill.

Mahalaga aniya sa bawat mamamayan na alam nila ang kanilang gagawin kapag tumama ang malakas na lindol sa bansa.

Hinikayat nito ang mga LGU na dapat maglaan ng mga sapat na impormasyon kung saan nakalagay ang evacuation center nila para alam ng mga mamamayan nila ang kanilang tatakbuhan sakaling tumama ang lindol.