-- Advertisements --
image 633

Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng humigit-kumulang 400 policewomen bilang mga customer relations officers.

Ang kabuuang 466 na babaeng opisyal ay magsisilbing liaison officer para sa mga taong lalakad sa mga istasyon ng pulisya, ire-refer sila sa mga opisyal sa loob ng istasyon, o tutulong sa kanila sa pagpapa-blotter.

Sinabi ni National Capital Region Police Office chief PMaj. Gen. Edgar Alan Okubo na sumailalim ang mga policewomen sa isang 2-day training program noong nakaraang linggo.

Inilunsad ang proyekto upang tugunan ang mga reklamo sa hindi magandang pag-uugali ng mga desk officer, na kadalasang kailangang magsagawa ng maraming tungkulin sa isang presinto.

Dagdag dito, karaniwang itinatalaga ang mga Desk officer na magtala ng mga blotter o reklamo.

Kaugnay niyan, 6,300 Metro Manila officers ang ipapakalat ngayong Semana Santa para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga probinsya at pagbisita sa mga simbahan.