-- Advertisements --

Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kabuuang 9,553 pulisya sa buong Metro Manila para sa White Ribbon March sa Linggo, Hunyo 28.

Nilinaw naman ni NCRPO spokesperson Major Hazel Asilo na sa ngayon walang indikasyon ng banta sa inaasahang malaking pagtitipon at ang kanilang deployment ay isang proaktibong hakbang.

Nauna na ngang inanunsiyo na ang White Ribbon March ay ilulunsad ng ilang religious at civil society groups sa EDSA People Power Monument para ipanawagan ang pananagutan, reporma sa elctoral process, at pagpasa ng tunay na anti-dynasty bill.

Sinabi rin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inatasan na ang NCRPO na i-assess ang banta sa seguridad sa pagdarausan ng event at sa mga karatig na gusali bago ang rally sa weekend.