-- Advertisements --

Itinuturing ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ‘generally peaceful’ ang naging paggunita ng Semana Santa sa Kamaynilaan.

Sinabi ni NCRPO Chief, Police Major General Edgar Allan Okubo, wala silang natanggap na banta sa seguridad at kahit na tapos na ang Semana Santa ay patuloy pa rin silang naka-heightened alert.

May mga nakakalat pa rin silang mga kapulisan sa mga pampublikong lugar at public transport terminals para matiyak ang seguridad ng publiko sa Metro Manila.

Papayagan na rin nila ang limang porsyento ng kanilang hanay na makapag-leave dahil sa patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga vulnerable areas.