-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Jonnel Estomo sa pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na dapat magsumite ang mga colonel at heneral ng PNP ng kanilang courtesy resignation.

Sinabi nito na handa siyang pumirma at magsumite ng courtesy resignation.

Nasa 70 opisyal aniya ng NCRPO din ang pumayag sa nasabing hakbang pero paglilinaw niya na walang sapilitan.

Iginiit nito na alam niya sa sarili niya na hindi siya sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Magugunitang hinamon ni Abalos ang mga opisyal ng PNP na magbitiw matapos na lumabas na marami sa kanila umano ang sangkot sa iligal na droga.