Bahagya raw bumaba ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa dating 19.1 percent ay 18.1 percent ito ngayong linggo.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 kumpara sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa isang period.
Samantala, ang positivity rates naman sa Batangas ay bumaba rin mula 13.9 percent ay naging 10.9 percent ito; Bulacan, 20.4 percent ay naging 17.7 percent at Laguna mula 19.7 percent ay naging 16.9 percent.
Sinabi ni David na mayroon pa rin namang mga probinsiya sa bansa na mayroong COVID-19 positivity rate na mas mataas sa 20 percent.
Kabilang na rito ang Tarlac na ang positivity rate mula 23.5 percent noong October 1 ay naging 32.8 percent ito noong October 7.
Kasama pa rito ang Rizal na mayroong 26.1 percent mark at Cavite, 24 percent.