-- Advertisements --
Inamin ngayon ng Metro Manila Council (MMC) na hindi pa rin daw kampante ang mga health workers sa kabila ng pagbaba ng healthcare utilization sa National Capital Region (NCR) sa kasagsagan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa ngayon ay bahagya raw bumaba ang healthcare utilization sa Metro Manila.
Kung maalala, ito ang naging basehan sa pagluwag ng restriction sa NCR mula sa Alert Level 4 sa Alert Level 3 simula Oktubre 16.
Dagdag ni Olivares, ang pagluluwag sa restrictions sa Metro Manila ay base rin sa pagbaba ng reproduction number ng COVID-19.
Pero iginiit ni Olivares na kailangan pa ring ibalanse ng ating pamahalaan ang ekonomiya at ang kalusugan.