-- Advertisements --
Pinapanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Iligan City, Bacolod City, Tacloban City at Lanao del Sur mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 30.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na mananatili sa GCQ ang Metro Manila at limang iba pang lugar sa bansa dahil sa mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Pangulong Duterte, patuloy na babantayan ng pamahalaan ang kaso ng COVID-19 para makontrol ang paglobo nito at tuluyan ng makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.
Magugunitang mismong ang mga Metro Manila mayors ang humiling kay Pangulong Duterte na kung maaari ay manatili sa GCQ ang National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng Disyembre.