-- Advertisements --
Nagpasya ang mga organizers ng NBL at WNBL na ipagpaliban ang pagbubukas ng kanilang 2021 season dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Bumuo na rin ang NBL ng ad-hoc committee kung saan ang mga miyembro ay pawang mga opisyal ng iba’t-ibang bayan.
Mahigpit aniya babantayan ng mga miyembro ng ad-hoc committee ang kalagayan ng COVID-19 sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Laguna.
Ayon kay NBL/ WNBL chairman Celso Mercado na prioridad nila ang kaligtasan ng mga manlalaro ay nagpasya sila na ipagpaliban ang mga laro.
Pansamatala rin ipinagpaliban ang mga training ng mga manlalaro sa mga lugar na nasa general community quarantine.