Mas malalimang imbestigasyon ngayon ang ipinag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pag-ambush-patay kahapon sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ngayong araw naglabas ang DoJ ng department order para magsagawa ng imbestigasyon at case build up sa pananambang-patay kay Atty. Frederic Anthony Santos na suspendidong Legal Service Chief ng BuCor.
Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa Office of the Secretary sa loob ng 30 araw.
Kapag mayroon daw matibay na ebidensiya laban sa mga suspek sa pagkamatay ni Santos ay kailangang makasuhan agad ang mga akusado.
Kahapon nang tambangan si Sangod nang susunduin daw sana sa eskwelahan ang kanyang anak dakong alas-2:00 ng hapon.
Pinagbabaril ito ng dalawanv nakamotorsiklong suspek habang nakasakay naman siya sa kanyang sports utility vehicle (SUV).
Magugunitang isa si Santos sa mga ipinatawag sa pagdinig ng Senado kaugnay sa nadeskubreng anomalya sa good conduct time allowance (GCTA) na nagpapalaya ng mas maaga sa sentensiya ng bilanggo.










