Nadakip na ng mga otoridad ang sinasabing suspek na pagpatay sa abogadong si Atty. Joey Luis Wee.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) deputy director at Spokesperson Ferdinand Lavin dakong alas-11:00 kagabi nang maaresto ang suspek.

Pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Lavin dahil may isinasagawa pang masinsinang follow up operations ang NBI.

Ang 51-anyos na si Wee ay inambush noong November 23, 2020 sa Cebu City.

Kasunod nito ipinag-utos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa NBI na siyasatin ang krimen.

Isa sa mga malaking kaso na nahawakan ni Wee ay ang kaso ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa overpriced na mga lamp post sa Cebu City na inilagay para sa ASEAN 2007.

Mariin namang kinondena ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kaso ng pagpatay sa abogado.