-- Advertisements --

Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na may mga lead ang bureau kaugnay sa kinaroroonan ni Senador Ronald dela Rosa matapos lihim na umalis sa Senado noong madaling araw ng Mayo 14.

Ito ay sa gitna ng nakabinbing warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Matibag, may impormasyon na umano sila kung nasaan talaga si dela Rosa ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Muli rin niyang sinabi na si Senador Robin Padilla ang dapat tanungin tungkol sa kinaroroonan ni dela Rosa dahil ito ang huling nakitang kasama ng senador bago ito nakalabas ng Senate compound.

Nauna nang itinuring ng NBI si Padilla bilang person of interest sa pagtukoy sa eksaktong lokasyon ni dela Rosa.