Nakatakdang magtungo sa Singapore si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag upang makipagtalakayan sa mga kinatawan ng Meta Platforms Inc., isang American-owned tech company na nagmamay-ari ng kilalang social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, at Whatsapp.
Layon ni Matibag na tumbukin ang diskurso patungkol sa panganib na dala ng kawalang-gabay na online activity ng mga menor de edad at ang pagiging bulnerable ng mga ito sa tinatawag na mga online ‘grocmers.’
Kaugnay iyan ng serye ng karahasan sa mga paaralan kabilang ang naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nito lamang Agosto at sa Tacloban noong Hulyo, na ayon sa NBI ay maaaring bunga umano ng tinatawag na online ‘grooming.’
Muli namang paalala ni Matibag sa mga magulang na bantayan nito ang online exposure ng kanilang mga anak dahil dito umano nagkakaroon ng pagkakataon ang mga online groomer na maagpakalat ng negatibong ideolchiya. (report by Bombo Angeline Domingo)
















