-- Advertisements --
Isinumite ng ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice ang ilang ebidensya na nagkaroon ng pang-aabuso sa ilang miyembro ng Socorro Bayanihan group sa Surigao Del Norte.
Ayon sa NBI, ilan sa mga ebidensiya na kanilang nakuha ay mga videos at testimonya.
Sa nasabing video ay makikita ang sapilitang pagpapakasal sa mga menor de edad at ang ginagawang pagsasanay ng ilang kalalakihan para sa private army ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).
Magugunitang una ng itinanggi ni Jey Rence Quilario o kilala bilang si Senior Agila ang nasabing mga akusasyon na nagkakaroon ng pang-aabuso sa mga kabataan.