-- Advertisements --

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite sa susunod na linggo ng initial findings nito sa imbestigasyon hinggil sa umano’y “vaccine slot for sale” scheme.

Ang utos na ito ni Guevarra ay nakapaloob sa Department Order (DO) No. 120 na inilabas para kay NBI Officer-In-Charge Director Eric B. Distor.

Inaatasan ng DO na ito si Distor na magsumite ng reports kay Guevarra sa loob ng 10 araw hinggil sa progress ng imbestigasyon.

Bukod dito, inaatasan din ang NBI na kasuhan ang mga mapapatunayang responsable sa modus na ito.

Ayon kay Guevarra, ang imbestigasyon sa naturang usapin ay hiniling mismo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin “Benhur” D. Abalos Jr.

Maging ang Philippine National Police ay pinakikilos na rin ang pinapaimbestigahan dito ang umano’y nangyayaring pagbebenta ng bakuna at vaccination slots na idinadaan pa sa social media.