-- Advertisements --
chopper crash pnp chief

Hindi na muna manghihimasok ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagbagsak ng chopper sa San Pedro, Laguna na sinakyan ng grupo ni PNP Chief Archie Gamboa.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ipauubaya na ng DoJ at NBI sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board o AAIIB ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagsasagawa ng inisyal na fact-finding investigation.

Una nang dumistansya ang CAAP sa nasabing imbestigasyon dahil ang saklaw lamang anila ay ang civilian aircraft.

Sa kabila nito, handa namang tumulong sa imbestigasyon ang CAAP sakaling hilingin ng PNP.