IMAGE | Asian Sentinel
Lumagda na sa isang memorandum of agreement (MOA) ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para gawing pormal ang kooperasyon nila na pag-isahin ang kanilang evaluation sa anti illegal drug operation na kampanya ng pamahalaan.
Mismong sina PNP Chief General Guillermo Eleazar at NBI OIC Director Eric Distor ang pumirma sa MOA sa harap ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra.
Nakapaloob sa MOA ang garantiya ng integridad at pagkakaroon ng lahat ng mga kakailanganing impormasyon, datos at mga ebidensiyang kailangan sa pagsasagawa ng imbestigasyon, case buil-up laban sa mga abusadong law enforcement officers.
Maliban dito, kabilang din sa MOA ang paghahanda ng lahat ng mga detalyadong report at rekomendasyon at maisumite sa kanilang counterpart na ahensiya.
Kasama na rin dito ang mga desisyon ng kanilang mga contact at mga kinatawan upang maging magaan ang koordinasyon.
Ang pagkakaroon ng buwanang konsultasyon sa kanilang ipapadalang mga representative kaugnay ng pagpapatupad ng nilagdaang MOA ay kasama rin.
Ang naturang commitment ay alinsunod ng na rin sa batas at mga regulasyon ng PNP at NBI para matiyak na nasusunod ang rule of law sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan kontra sa iligal na droga at matiyak ang seguridad ng komunidad laban sa illegal drugs.