-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Golden State Warriors para makapasok sa second round ng NBA Western Conference playoffs matapos talunin ang Denver Nuggets, 118-113.

Kapwa nagtala ng 27 points sina Stephen Curry at Jordan Poole para makuha ng Warriors ang 3-0 na kalamangan.

Nag-ambag naman ng 11 points si Gary Payton habang mayroong 10 assists si Draymond Green.

Nasayang naman ang 37 ponts at 18 rebounds ni Nikola Jokic.

Sa ibang game, nalusutan naman ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz, 126-118, para makuha ang 2-1 na kalamangan sa unang round ng Western Conference playoffs.

Bumida sa panalo ng Mavs si Jalen Brunson na nagtala ng 31 points habang mayroong 20 points si Spencer Dinwiddle at 17 points kay Maxi Kleber at 15 points kay Davis Bertans.

Samantala, ginulat naman ng Memphis Grizzles ang Minnesota Timberwolves, 104-95, para makuha ang 2-1 kalamangan ng Western Conference first-round playoffs.

Nahabol pa kasi ng Memphis ang 26 points na kalamangan ng Wolves.