-- Advertisements --

Tinambakan ng NBA defending champion na Milwaukee Bucks ang top team ngayon na Golden State Warriors, 118-99.

Nanguna sa kanyang all-around game ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo na nagtala ng triple-double performance matapos magbuhos ng 30 points, 12 rebounds, at 11 assists para iposte ang kanilang ika-27 panalo.

Nagmistulang magandang pasalubong din ng Bucks ang panalo dahil bumalik na rin ang kanilang head coach na si Mike Budenholzer na naunang sumailalim sa quarantine.

Liban sa paggana ng opensa at depensa, sinamantala ng Bucks ang inalat na laro nang tinaguriang Splash Brothers na sina Stephen Curry na nagpakita lamang ng 12 points, habang si Klay Thompson ay nagtapos sa 11 points.

Sa ngayon napako sa 30 wins at 11 losses ang Warriors.