-- Advertisements --
dallas vs suns

Tinambakan ng Dallas Mavericks ang NBA top team na Phoenix Suns, 123-90 sa kanilang pagtutuos Game 7 sa Western Conference semifinals.

Hindi pinaporma ng Mavs ang No. 1 team sa NBA nang pangunahan ni Luka Doncic ang walang humpay na puntos kung saan nagtala siya ng kabuuang 35 points.

Nag-ambag naman si Spencer Dinwiddie ng 30 points para umusad ang Mavs sa conference finals makalipas ang 11 taon.

Kung maalala noong nakaraang taon ay umabot pa sa finals ang Suns laban sa Bucks.

Maging si Doncic ay hindi rin makapaniwala na nasilat nila ang Suns na halos walang pagbabago ang line-up na kilalang playoff veterans.

Ang backcourt tandem na sina Devin Booker at All-Star guard na si Chris Paul ay wala ring nagawa sa matinding pressure sa kanilang balikat.

Si Booker na inalat din ay nagtapos lamang sa nakakadismayang 11 puntos, habang si Paul naman ay nagpakita ng 10 points at kakarampot na apat na assists.

Susunod namang haharapin ng Mavs sa Western Conference finals ang Golden State Warriors simula sa Huwebes.