Sa pangatlong pagkakataon, bibisita sa Pilipinas ang National Basketball Association (NBA) superstar na si James Edward Harden Jr.

Batay sa impormasyon, sa June 26 darating sa bansa ang Houston Rockets guard para sa isang promotional tour na isasagawa sa Pasay City.

Taong 2013 nang dalawang beses pumasyal sa Pilipinas ang 29-year-old NBA superstar.