-- Advertisements --
Usap-usapan din ang nakakagulat na hakbang ng Utah Jazz ng kanilang bitawan ang star center nila na si Rudy Gobert.
Ang pag-trade kay Gobert patungong Minnesota Timberwolves ay tinawag na blockbuster deal, dahil ang kapalit nito ay mabigat din.
Ibibigay ng Timberwolves sa Utah sina Malik Beasley, Patrick Beverley, Jarred Vanderbilt, Leandro Bolmaro, at ang No. 22 pick Walker Kessler at apat pang mga first-round picks sa mga susunod na taon.