-- Advertisements --
Opisyal na hindi makakasama sa FIBA World Cup na gaganapin sa bansa si Greece star Giannis Antetokounmpo.
Sa kaniyang social media , sinabi nito na patuloy pa itong nagpapagaling ng kaniyang injury sa kaliwang tuhod.
Dagdag pa ng two-time NBA Most Valuable Player at Milwaukee Bucks star na hindi pa ito handa sa nasabing torneo na magsisimula sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Natamo nito ang injury noong Hulyo at hindi pa siya pinayagan ng kaniyang doctor na makapaglaro.
Nakasama na ng Greece ang 2021 NBA Finals MVP sa World Cup apat na taon na ang nakakalipas.
Magaganap ang laban ng Group C sa Mall of Asia sa Pasay City kung saan kasama nila ang US, Jordan at New Zealand.