Hindi naging balakid para sa Philadelphia 76ers ang hindi paglalaro ng kanilang dalawang all-star player para talunin ang Miami Heat 113-106.
Nagtamo kasi ang back injury si Joel Embiid habang mayroong hamstring injury namani s James Harden ng Sixers.
Nanguna sa panalo ng Sixers sina Tyrese Mexy na nagtala ng 28 points, habang mayroong 20 points si Shake Milton at nag-ambag naman ng 18 points si Furkan Korkmaz.
Nakapag-ambag naman ng 15 points si George Niang at 14 points naman si Tobias Harris.
Naitala naman ni Christian Woods ang 39-points career points para dalhin ang Houston Rockets sa panalo kontra Washington Wizards 115-97.
Nagdagdaga naman ng 17 points anim na rebounds at limang assists si Jalen Green habang mayroong 15 points si Eric Gordon at walong puntos ang naitala ni Dennis Schroder para tapusin ang limang magkakasunod na pagkatalo ng Rockets.
Nakalusot naman ang Dallas Mavericks laban sa Minnesota Timberwolves 110-108.
PInangunahan ni Dwight Powell na nagtala ng 22 points at walong rebounds ang Mavs habang mayroong 20 points si Spencer Dinwiddle habang nagtala ng double-double na 15 points at 10 assists si Luka Doncic.
Naperpekto naman ng Boston Celtics ang kanilang road trip winning ng talunin ang Oklahoma City Thunder 132-123.
Umabot pa ng 26 points ang naging kalamangan ng Celtics sa pagpasok ng last quarter subalit naging pursigido ang Thunder para mabawasan ang kalamangan ng Boston.
Bumida sa panalo ng Celtics si Jayson Tatum na nagtala ng 36 points habang mayroong 25 points si Jaylen Brown at 20 points, 10 rebounds si Grant Williams.
Nag-ambag naman ng tig-18 points Derrick White at Payton Pritchard.










